Oh why, hello there. :) Navigations are up there. See? Now, go on.
|
March 27th, 2009 The Russians sank a Hong Kong freighter last month, killing the seven Chinese seamen on board. We can live with that—Lenin and Stalin were once the ideological mentors of all Chinese people. The Japanese planted a flag on Diàoyú Island. That’s no big problem—we Hong Kong Chinese love Japanese cartoons, Hello Kitty, and shopping in Shinjuku, let alone our round-the-clock obsession with karaoke. But hold on—even the Filipinos? Manila has just claimed sovereignty over the scattered rocks in the South China Sea called the Spratly Islands, complete with a blatant threat from its congress to send gunboats to the South China Sea to defend the islands from China if necessary. This is beyond reproach. The reason: there are more than 130,000 Filipina maids working as $3,580-a-month cheap labor in Hong Kong. As a nation of servants, you don’t flex your muscles at your master, from whom you earn most of your bread and butter. As a patriotic Chinese man, the news has made my blood boil. I summoned Louisa, my domestic assistant who holds a degree in international politics from the University of Manila, hung a map on the wall, and gave her a harsh lecture. I sternly warned her that if she wants her wages increased next year, she had better tell every one of her compatriots in Statue Square on Sunday that the entirety of the Spratly Islands belongs to China. Grimly, I told her that if war breaks out between the Philippines and China, I would have to end her employment and send her straight home, because I would not risk the crime of treason for sponsoring an enemy of the state by paying her to wash my toilet and clean my windows 16 hours a day. With that money, she would pay taxes to her government, and they would fund a navy to invade our motherland and deeply hurt my feelings. Oh yes. The government of the Philippines would certainly be wrong if they think we Chinese are prepared to swallow their insult and sit back and lose a Falkland Islands War in the Far East. They may have Barack Obama and the hawkish American military behind them, but we have a hostage in each of our homes in the Mid-Levels or higher. Some of my friends told me they have already declared a state of emergency at home. Their maids have been made to shout “China, Madam/Sir” loudly whenever they hear the word “Spratly.” They say the indoctrination is working as wonderfully as when we used to shout, “Long live Chairman Mao!” at the sight of a portrait of our Great Leader during the Cultural Revolution. I’m not sure if that’s going a bit too far, at least for the time being. Chip Tsao is a best-selling author and columnist. A former reporter for the BBC, his columns have also appeared in Apple Daily, Next Magazine and CUP Magazine, among others. |
|
0 did. |
|
|
Masaya kaming magkasama ni Cathy sa Burger King sa mga unang ilang minuto ng kanyang kaarawan. Ayan na, countdown. Three, two, one.... HAPPY BIRTHDAY TO YOU!
Kasama namin si Mamalah at ang kaklase niyang si Paolo. Kwentuhan, tawanan, lokohon. Masaya. Unang beses ko naranasan ang ganoong saya kasama si Cathy at ang dalawa niyang kaibigan. Nakabalik kami ng dorm ni Cathy ng alas dos ng umaga. Paggising niya, ginulat siya ni Papa at Mama sa dorm. May dalang cake, pansit, mangga, pandesal at keso. Yum yum sarap! (Salamat Nanay Irene sa pagluto.) Sabay kami umalis ni Mama sa dorm ni Cathy, at naghiwalay kami sa Cubao. Pupunta siya ng SM Megamall, ako naman papasok na sa 10:30am class ko. Mamimiss ko rin ang mga kwento ni Sir Siojo at ang paborito niyang linya na "...when you were just malicious thoughts in the minds of your parents..." HAHA. At gusto ko lang isingit na, ang tricky ng finals exam ni Jamil. Napilipit utak ko sir. --- Nang nakita ko na bumili si Mama ng pabango na gusto ni Cathy, nainis ako, pumunta ng kwarto, linock ang pintuan, at umiyak. Habang umiiyak ako, hindi ko maisip-isip kung ano ba nangyari at bigla ako nainis nung nakita ko ang pabango. Siguro sa isip-isip ko, "Grabe, binilhan ko ng regalo si Cathy gamit sarili ko na pera kaso hindi ko nabili yung amoy na rinequest niya kasi wala ng stock. Tapos ngayon, papamukha mo sa akin na may nabili ka na ganung amoy? Panigurado mababalewala lang 'yung binigay ko kay Cathy at ang gagamitin niya ay yung nabili mo." Nasaktan lang siguro ako kasi minsan lang ako magbigay ng regalo, tapos kapag nagbibigay ako parang hindi nagugustuhan o na-aappreciate ng mga binagbibigyan ko yung regalo ko. Simple lang ako magbigay, siguro hindi nila trip yun. EWAN. Tapos bigla ko naisip, ang gusto ko lang naman talaga magawa sa buhay ay magpasaya ng tao, kilala ko man o hindi. Pero, bakit ko sila gusto maging masaya? Dahil ba ginagamit ko lang sila, na kapag nakita ko silang masaya ay masaya na rin ako? Hindi. Dahil ba nakadepende sa ibang tao ang kaligayahan at pagkabuo ko? Hindi rin. Napag-isip isip ko: "Noong una, siguro kaya ko gusto magpasaya ng tao kasi, masaya ako na nakikita silang nakangiti. Pero parang may mali dun, kasi kapag hindi na sila masaya edi hindi na rin ako masaya? Siguro dahil na rin ako ang panganay na anak kaya sinasabi ko sa sarili ko na ganito ang dapat - na dapat ipakita ko sa mga kapatid ko ang tama, na maging halimbawa ako ng isang masaya, mabait at mapag-aral na anak." Pero natuwa naman ako ng natanto ko na nagbago na ako. Nalampasan ko na ang ganoong pag-iisip. Na kung dati umiikot sa utility ng pagpapasaya ko, ngayon umiikot na sa halaga ng holy. Na hindi na nakasalalay sa kung mapapasaya ko ba siya o hindi ang aking fulfillment. Ngayon nakikita ko na, na ang aking pagiging madaldal, masayahin, makwento, tahimik ang mismong mga katangian na magagamit ko para makabuo ng relasyon sa iba. Na sa kung ano ang meron ako, ang aking kapalaran, makakamit ko ang aking tadhana. Nakikinig ako sa kwento ng kaibigan ko hindi dahil gusto ko makischismis. Nakikinig ako kasi nakikita ko na sa pagkwento/sa kilos ng kaibigan ko, kung ano yung mga bagay na mahalaga para sa kanya... at nirerespeto ko iyon. AT ang tanging magagawa ko lang, sa kung ano ang kapalaran - kung ano ang meron ako, ay ang simpleng pagkinig at pagbigay ng saya o kahit ngiti man lamang sa kanyang mukha. Nakikita ko ang hangganan, ang limitasyon. Kung hanggang saan lang ba ako pwede puwede. Kung papapasukin ba ang ng tao sa kanyang buhay. At sa pagpapasaya ko ng tao, nirerespeto ko ang hangganan na iyon (Ako, ako. At ikaw ay ikaw.) at sabay ko rin nakikilala at unti-unting natutupad ang tadhana ko. Tulad na lang ng JEEP experience ko. Noong una ayaw ko pa bumati ng mga customers. Kunwari pa akong may ginagawa - ginugulo ang ayos ng tubig sa beverage area tapos aayusin ko rin naman ulit. Pero hindi ako komportable sa ganun eh. Kasi lumalabas na ang ginagawa ko ay hindi ko tinatanggap na may tao diyan sa tabi ko. Na may customer na gusto sanang magtanong sa akin pero hindi ko lang pinapansin. At parehong kaming hindi ok. Kaya sinimulan ko bumati, at naramdaman ko na mas madali yung ganun. Na kahit hindi ako pansinin, ako nagagawa ko naman ang nakakapagpasaya sa akin. At mas masaya kung may ngingiti or sasagot din ng "good morning." o "hello." Nakikita nila na may halaga ung pagbati ko, kahit gano pa kababaw yung pagbati ko na iyon. Nagtutulungan lang kami na pasayahin ang buhay ng isa't-isa. Maiintindihan ko kung sa pagtapos mo sa pagbasa nito iisipin mo: "Huh? Ang labo. Di ko gets! OA naman neto. May paganyan-ganyan pa." Pero eto lang sagot ko sayo: Iba kasi kapag nakapasok ka sa Philo class ni Sir jope, kahit inis na inis ka na sa nanay mo mapapaisip ka kung may kwenta ba ung pagkainis mo or trip mo lang saktan sarili mo. HAHA, bow. |
|
1 did. |
|
|
Nakalimutan ko na kung ilang taon ako ng mga panahon na iyon, ang natatandaan ko lang... huminto na si Papa sa paghithit ng nicotine. Ang yabang yabang ko pa sa mga kaklase ko.
"Eh 'yung Papa at Mama ko hindi sila naninigarilyo. Wala silang bisyo."
(Hindi naman masyado halata na tuwang-tuwa ako sa magulang ko.)
"Oha! Ang galing nila noh?"
At hanggang sa pagtatapos ko ng high school, kailanman hindi ko nakita nanigarilyo ang magulang ko...
Nagulat na lang ako, ng bigla ko nakita si Papa na may hawak na sigarilyo habang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Mukhang enjoy ah. Tawanan, hithit, buga, ubo, kwentuhan, hithit, buga. Paulit-ulit lang na ganun. Namiss siguro ng tatay ko ang epekto ng yosi sa kanya - 'yung sinasabi nila na nakakaalis ng stress.
Nagsimula sa patikim-tikim bisyo'y biglang lumalim.
Ayan ang hirap sa isang bagay kapag nasimulan mo na. Unti-unti kang mahuhumaling sa kung anong nagagawa nito para sa iyo. At mahihirapan ka na pakawalan, kahit na sa loob-loob mo... alam mo na may mali. May mali pero wala lang sa iyo, basta ang alam mo masarap ang ginagawa mo. Pero ano nga ba naman ang alam ko kung ano nadudulot talaga ng yosi sa katawan? Para naman hindi lang ako basta basta nagsasalita at walang gawa, nagpaalam ako sa magulang ko kung pwede ko ba subukan manigarilyo. "Ma, pwde ko ba i-try yan?" "Tanungin mo si Papa mo." Tinawag ni Mama si Papa. "Pa, ok lang ba na try ko?" Sabay turo sa yosi na hawak ni Mama. "O sige, isa lang ha." At sinubukan ko nga. Hindi ko nagustuhan eh. Siguro nakatatak lang talaga sa utak ko na hindi ko magugustuhan kaya hindi ako nasarapan sa lasa. Ang sakit lang sa puso kasi hindi pa malakas ang loob ko na sabihin kay Papa na nasasaktan ako sa ginagawa niya. Na hanggang ngayon, pagkatapos namin siya pagsabihan ng kapatid ko na tumigil na, tinutuloy pa rin niya. Nakikita ko siya nagyoyosi pagkatapos kumain. Oo, mahirap tumigil sa ganung bisyo. Masaya siya sa ginagawa niya, pero kaming pamilya niya... nasasaktan. Kasi sa bawat stick na nauubos niya, ilang minuto rin ang nababawas sa buhay niya. Magkakaroon din ako ng lakas na loob na kausapin ka at sabihin sayo na sa tingin namin hindi nakakabuti sa iyo ang bisyo na yan. I love you Papa. --- Kung ayaw may dahilan, kung gusto ay laging mayroong paraan. Eh kung gumawa na lang tayo ng paraan. |
|
0 did. |
|
|