Naaatat na ako. Gusto ko na magfast-forward. Kung hindi man pwede mangyari yun, kahit preview lang ayos na sa akin. Gusto ka, hindi mo pinili. Gusto mo, hindi ka pinili. Bihira na lang ata ngayon na maging maayos lahat. Pero kahit ganoon, naniniwala pa rin ako na... sa huli, magiging maayos din naman lahat ng kaguluhan, 'di pagkakaintindihan, kalituhan at away.
Kanya kanya lang talaga ng style. Kanya kanyang mga problemang pinalalaki. Mga bagay na iniisantabi. Mga bagay na pinahahalagahan. Mga taong iniiwan. Mga pilosopiyang kinikilingan.
Maski bulok man 'yang style mo, style pa rin yan. At SA'YO yan. Kahit na walang makaintindi sa style mo, hindi ibig sabihin mali ka. Hindi lang kayo pareho ng mag-isip ng ibang tao. Sabihin man ng iba na imbento lang ang ginagawa mo, ayos lang yan. Panindigan mo basta 'di nakakasakit ng iba.
(Pushing Rant Button OFF) (Kwento Button ON)
Unang beses ko manuod ng Battle sa Belfield. Ang galing ni Josh. Mahusay. Masaya! Sobra. At masaya rin ako kasi sinamahan ako ni Uzi. Solid talaga ang demo ng mga Pintados! At bumenta sa akin ang peke na pugot na ulo. Nagkwentuhan kami ni Uzi sa Mcdo. Bonding ulit.
Pinahiram ko ang scrap book na ginawa niya para sa 16th birthday ko. Nahiya siya bigla. =)) Next time, yung filler ko naman daw ang pagtritirpan namin. Haaaay. Kung pwede lang talaga.
Pumunta ako sa debut ni Lia. At nagtaxi mag-isa pauwi. First time. :)
February 7, 2009
|