Matagal-tagal na rin ako hindi nakakabisita sa sarili kong blog. Ano na ba nangyari? Bakasyon na naman. Pero wala pa plano ang pamilya. Okay na rin siguro na wala pang plano. Spontaneous kuno ang dating.
Kagabi na lang ulit kami nakakain ng dinner ng pamilya na kumpleto kami lahat. Nakakatuwa. Sa mga estudyante diyan na minsan na lang nakakauwi sa bahay nila dahil nagdodorm sila, sulitin niyo na ang mga oras na tulad niyan. Minsan na lang kayo kumain kasama ang pamilya. Minsan na lang libre ang pagkain. Minsan na lang makanuod ng TV (tulad ko, na walang form of media except radio sa cellphone kapag nasa dorm). Minsan na lamang makasama ang mga cute na poopies. ^^,
Hello sa mga nag-aabang na magupdate ako. Salamat fans! (As if naman meron? Haha.) Comment lang kayo kung may mahanapan kayo ng pwedeng comment-an.
---
Lagi MO tatandaan na hinding-hindi magiging malamig ang iyong pasko dahil narito AKO. Imma give you some lovin'. Oo, ikaw! AT ikaw, at ikaw. Kayong lahat.
Meri Krismas! :) ---
with sisters and cousin |