Pumunta ako sa 25th Silver Wedding Anniversary ni Madam Cristy at ni Kuya Lito ngayon. Nagparinig magulang ko. 5 years na lang daw at sila naman ang magpapakasal ulit. Diosmeh, ako na daw bahala sa kasal nila. Aysus! Hindi pa nga ako graduate may nakareserba na akong gastusin. Yes naman, go anak! Pero masaya ako para kay Mama at Papa.
Humirit pa si Mama, "Siguradong wala pa akong apo by that time."
Sagot naman si Papa: "Oo naman."
Sa akin sigurado wala pa silang apo. Ilang taon na ba ko ng 2013? 23. Sana nga wala pa. (Hehe. Not funny.) Pero ewan ko na lang sa dalawa kong kapatid.