Oh why, hello there. :) Navigations are up there. See? Now, go on.
|
Philo group orals kaninang 1.45pm. Aminado ako na hindi talaga ako nakapag-aral ng masinsinan para sa final orals. Umasa na lang talaga ako na hindi ako mamalasin at madaling thesis statement ang kailangan naming ipaliwanag. At buti na lang, nangyari nga! (Akalain mo yun?)
Sir Jope: Simulan natin sa pagbasa ng thesis #8. Issa, pakibasa at pakisimulan na rin ang pagpapaliwanag. Issa: (Nagulat. Nanlaki mata. Kinabahan. Nataranta. Hindi alam kung saan magsisimula. Atbp!) 8. Sa mga nagsasalubungang pwersa sa bawat tao mismo magmumula ang arête na gagamitin upang ipamalas ang tunay na pagkataong huhubog ng makabuluhang kwento para sa sarili at sa mundo—napag-iibayo ang pagkabigay ng tao at natatatakan ng loob ng tao ang kalikasan. Subalit hindi pinapadali ng ekonomikal at pulitikal na kalalagayan ng tao ang pagtupad niya sa tungkuling ito sa sarili.
Pano ko nga ba sinumulan? Sabi ko:
Man is the cross-point of different intersecting lines namely: natural, interpersonal, social, cultural and transcendental. The moment man was born in this world, he was already given a certain set of characteristics and factors that he cannot, by any means, change. Mayroon siyang pagkabigay (facticity) na kailangang tanggapin. At sa pagtanggap niya sa pagkabigay na iyon, naiintindihan niya na siya ay limitado. Ngunit hindi dapat doon magtapos ang kanyang pagmumuni. Dapat din makita ng tao na dahil sa kanyang pagkabigay, may mga iba't-ibang posibilidad na kaya niyang abutin. At sa paggawa, doon naipapamalas ng tao ang kanyang galing- ang kanyang arete at doon mahahanap ng tao ang kanyang kaganapan. Ikaw, naipapamalas mo ba ang iyong arete sa ginagawa mo ngayon? |
|
0 did. |
|
|