Hindi ko alam kung ako lang ba ganito mag-isip. Pero nabababawan talaga ako sa mga taong wala ng ginawa buong araw kundi magtext. Ayos lang kung importante yung pinaguusapan eh, pero kung puros "gawa mo?" o "ahh, ok. kwento ka naman." hindi ko mapapatawad eh. Idagdag mo pa na yung katext naman na mga tao ay kasama niya lagi sa school. Ano yun? Aksaya lang ng panahon ang pagtetext. Trip lang? Dahil walang magawa? Para stay connected 24/7? Konektado ka nga sa mga kaibigan mo pero sa pamilya mo na kasama mo sa bahay, hindi mo na makausap kasi atat na atat ka sa reply ng mga katext mo. Dyuskopo! Patawarin na kung sobrang init ng ulo ko. Hindi na kasi rasyonal eh. Imbis na makatulong sa pagbuo ng maayos at matitibay na relasyon sa ibang tao, nakakasira lang eh. Nagiging peke na lang ung relasyon, minsan hanggang text lang naman ganun. Kapag nagkita na, wala na. Tameme lang. Hi hello lang ang masasabi. At konting ngitian. Ano yun? Friends?
Nawawala na ang tunay na kahulugan ng salitang "pagkakaibigan" at "kaibigan". Hindi ko sinisisi ang cellphone. Sinisisi ko ang tao sa kanyang bulag na paggawa ng mga bagay na hindi man lamang pinagiisipan ng mabuti. Ang mas malala, nasasanay pa ang tao sa ganoong gawi. Ang lungkot. PERO mas lalong nakakainis. Ano na nangyayari sa kabataan ngayon? Ano na ba ang pinahahalagahan nila? Ano na mga pinaniniwalaan nila?
Maniniwala ka na lang ba sa kung ano sasabihin sayo ng mga kaibigan/guro/at ibang tao sayo? Hindi mo man lamang ba kwekwestiyunin kung tama o may basehan ang sinabi ng taong iyon? Nasa sa iyo lang naman iyon. Kung mamatay ka man biglaan anong gusto mo na maging huling bagay na ginagawa mo: nagtetext ng kung sinoman o nakikipagkwentuhan sa pamilya mo?
Pag-isipan mo. |